Nagsisimula nang magdatingan ang mga current player ng Ateneo Blue Eagles sa tanggapan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) nitong Miyerkules, Hunyo 17.
Sinubpoena ng CIDG ang mga nasabing player upang magbigay-linaw sa naganap na pagkalunod ng dalawa nilang teammate na sina Rene Baterbonia at Divine Adili sa isinagawang team building sa Dipaculao, Aurora.
Pitong basketball player na ng Ateneo Blue Eagles ang kumpirmadong dumating na sa CIDG.
Matatandaang nauna ng inimbitahan kahapon ang mga former player ng team kung saan maghapong nag-usap ang mga ito at si CIDG Director P/Major General Alexander Morico II.
Hindi pa inilalabas ng CIDG kung ano ang napag-usapan nila at tatapusin muna ang kanilang mga panayam bago magsagawa ng press briefing.
Trending
- Gonzales, ‘bituin na patuloy na bubuo’ ang batang guard ng NLEX — Alapag
- Padel Pilipinas naghahanda na para sa Asian Games
- Raymart, ibinida ang bonding kasama si Santino
- Kelvin, muntik nang manakit, di pa napapatawad ang nakabangga sa ama
- Jeric, may reax sa pagdodoktor ni Rabiya
- Estudyanteng binully natagapuang patay sa ilog
- Mister kulong ng tanggihan ni misis bumembang
- 14-anyos, sexslave ng ama simula 4-anyos pa lang

