INIHAYAG ni National Capital Region Police Office (NCRPO) OIC P/BGen. Christopher Abrahano, na ipinagbabawal ang hindi awtorisadong paggawa, pagbebenta at pamamahagi ng mga uniporme, insignia at iba pang kagamitan ng Philippine National Police (PNP).
Ang tanging mga kinikilalang supplier at awtorisado ng PNP at ang National Historical Institute lamang ang maaaring gumawa, magbenta o mamahagi ng mga ito.
Binalaan ng NCRPO chief ang hindi awtorisadong paggawa, pagbebenta at paggamit ng mga opisyal na uniporme, insignia at iba pang kagamitan ng (PNP).
Ayon kay BGen. Abrahado, paiigtingin nila ang pakikipag-ugnayan sa mga online shopping platform at lehitimong supplier ng uniporme upang maiwasang makarating sa mga hindi otorisadong sibilyan at iba pang indibidwal ang uniporme ng mga pulis.
Ang hindi awtorisadong pagbebenta ng uniporme ng pulis ay nagdudulot ng seryosong panganib sa kaligtasan ng publiko.
Sa ilalim ng Executive Order No. 297, series of 20 ipinagbabawal ang hindi awtorisadong paggawa, pagbebenta at pamamahagi ng mga uniporme, insignia at iba pang kagamitan ng PNP.
Maaaring patawan ang mga lalabag ng pagsasara ng establisimyento, pagkansela ng lisensya o permit sa negosyo, pagsamsam at pagkumpiska sa mga kagamitan at produkto, multang administratibo, at kaukulang kasong administratibo, sibil at kriminal.
Ang babala ay kasunod ng pag- aresto sa isang 31-anyos na lalaki sa Cubao, Quezon City na nagpanggap na pulis at nagsuot ng unipormeng may insignia ng ranggo at patch ng isang himpilan ng pulisya.
Nahaharap ang suspek sa mga reklamong usurpation of authority at illegal use of uniform or insignia.
Nanawagan ang NCRPO sa publiko na ireport sa mga awtoridad ang mga pinaghihinalaang pagpapanggap bilang pulis at ilegal na pagbebenta ng mga police uniforms. (Gina Garcia)

