PINAGDIWANG ang 32nd National Correctional Conciousness week sa New Bilibid Prison(NBP) nitong nakalipas na Oktubre 26, 2026.

Binuksan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang isang linggong pagdiriwang ng 32nd NCC week (NCCW) sa isang simpleng seremonya sa NBP.

Nagsimula ang programa sa isang misa na pinangunahan ni Rev. Fr.Erwin Aranja at taglay ng pagdiriwang ang Makataong Hustisya: Paglaya na May Dangal at Pag-asa.”

Sa mensahe director Catapang na ang BuCor ay dumaan sa makabuluhang pagbabago sa nakalipas na tatlong taon.

Aniya, ang kaayusan at mga repormang naitatag sa loob ng kawanihan ay dapat mapanatili sa pamamagitan ng pamumunong nakaangkla sa integridad at disiplina.

Inanunsyo rin niya na ang mga bagong pasilidad ay hindi limitado sa mga person deprived of liberty (PDL), at ang mga tauhan ng BuCor ay makikinabang din sa pinagsama-samang mga proyekto ng pabahay ng gobyerno.

Inilaan para sa mga yunit ng pabahay ang isang 8.5-ektaryang ari-arian sa loob ng NBP reservation para sa higit sa 3,000 tauhan.

Itinampok sa isang linggong pag-obserba ang isang health and wellness caravan, legal assistance caravan, mga aktibidad sa reporma, mga programa sa kultura at palakasan para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs), at pagkilala sa mga stakeholder, at isang araw ng pamilya para sa mga PDL.(Gina Garcia)

 

Share.