Pag-aaralan muna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahilingan ng Estados Unidos na i-extradite si Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay PCO Usec. Claire Castro, nakausap niya ang Pangulo at sinabi nitong kailangan munang masusing pag-aralan ang usapin. Inaasahang magbibigay ang MalacaƱang ng anunsyo tungkol sa magiging desisyon sa mga susunod na linggo.
Sinabi ni Castro na may dalawang posibleng hakbang batay sa extradition treaty ng Pilipinas at U.S. Maaaring manatili si Quiboloy sa Pilipinas habang dinidinig ang kanyang kaso, o pansamantalang suspendihin ang kaso rito upang maipadala siya sa U.S. para harapin ang mga kaso doon.
Sinabi ng Palasyo na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magpapasya sa susunod na hakbang kaugnay ng extradition ni Pastor Apollo Quiboloy.
Sa ngayon ilalatag ng Pangulo ang kanyang desisyon at inaasahang magsasalita siya tungkol dito sa mga susunod na linggo.
Dagdag ni Castro, kailangang dumaan muna sa tamang proseso at sundin ang umiiral na batas bago tuluyang magdesisyon ang Pangulo.
Trending
- Lady Red Spikers nakamit ang ikalawang tagumpay
- Qatar tinambakan ang Iran 9 days bago ang opening ceremony ng Asian Games
- Isabelle Daza nagregalo ng cellphone sa tindera
- Katherine Luna fan mode nang makasama mga sikat na artista
- Dina Bonnevie sobrang love ang manugang niyang si Kristine Hermosa
- BARMM elections madugo
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre
- 55 wildlife traders, timbog sa operasyon ng DENR

