Inamin ni Senador Robin Padilla nitong Biyernes, Mayo 22 na pinasakay niya si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa kanyang sasakyan sa pag-alis ng Senado ngunit ibinaba niya umano sa Makati City at wala na itong ideya kung saan ito pupunta.
Ito ay kasunod ng mga alegasyon na tinulungan umano ni Padilla ang kaalyado na makaalis sa Senado.
Sa panayam, sinabi ni Padilla na nagpaalam siya kay Dela Rosa na kailangan na niyang umuwi ng bahay madaling araw ng Mayo 14 dahil hinahanap na siya ng kanyang asawa, o anim na oras matapos ang shooting incident sa Senado.
“Sen. Bato said, ‘I’ll just ride along.’ Of course I couldn’t refuse that, right? Sen. Bato didn’t have a vehicle because he was only dropped off at the Senate by a car of Senator Alan Peter Cayetano,” sinabi ni Padilla.
Ani Padilla, bumaba si Dela Rosa sa Makati City kung saan na ito sinundo ng kanyang sariling sasakyan.
Tugma ang sinabi ni Padilla sa CCTV footage mula sa Senado na nagpakitang ang dalawang senador ay umalis bandang 2:30 ng madaling araw ng Huwebes noong nakaraang linggo.
Sinabi naman ni Interior Secretary Jonvic Remulla noong Miyerkules na nakitang patungo sa Makati City ang puting Toyota Fortuner ni Padilla.
Iginiit naman ni Padilla na hindi sila tumakas sa Senado dahil wala namang pumigil sa kanila sa pag-alis.
“How could we possibly escape? There were so many police inside and outside the Senate, and there were CCTV cameras too. No one even stopped us,” ayon pa sa senador.
“For me, he is not a fugitive. I cannot accept that we would just call him that simply because a foreigner said so. We also need to respect our own processes as a country,” dagdag pa.
Nanindigan si Padilla na si Dela Rosa ay hindi pugante.
“Secretary Jonvic said, ‘I’m not here to arrest you, my friend; I’m here to secure the area,’” pagbabahagi ni Padilla.
Nitong Huwebes, inanunsyo ng Department of Justice na maaari nang ipatupad ang arrest warrant ng International Criminal Court.
Trending
- Knicks, ibinulsa ang Game 1 OT win vs Cavs, 115 – 104
- Lim, Olivarez pangungunahan ang Palawan Open tennis
- KC, dinalaw si Sharon
- Kathryn, nagsalita na sa lagay ng lovelife
- BINI pinarangalan sa Kamara
- Padilla: Bato nakisakay lang, walang ideya kung saan papunta
- DOH: Pinoy crew ng hantavirus-hit cruise ship ‘di na kailangan mag-quarantine ulit
- 9,800 Pilnoys na-repat sa gitna ng MidEast war

