Arestado ang 34-anyos na babae nang makumpiskahan ng tinatayang P10.2 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Barangay Saray, Iligan City nitong Martes.
Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency-9 ang suspek sa alyas na “Richie,” residente ng Barangay Tubod, Iligan City. Naaresto siya sa operasyong isinagawa dakong ala-1 ng hapon katuwang ang Iligan City Police Station 5.
Nakatakas naman ang kaniyang hinihinalang kasabwat na kinilalang alyas “Mark” at patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.
Narekober sa suspek ang humigit-kumulang 1.5 kilo ng hinihinalang shabu na nakabalot sa vacuum-sealed transparent plastic, buy-bust money, isang mobile phone, at iba pang drug paraphernalia.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Hinimok din ng PDEA-9 ang mga residente ng Iligan City na iulat sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad na may kaugnayan sa ilegal na droga.
Trending
- Shabu :8 arestado
- Ecstasy: 2 tulak nalambat
- Colorum na PNP uniform at iba pa, bawal
- Nakaw sa convenience store: kahera, tsuper dinampot
- Trike driver nambugbog, nanutok sa paslit kalaboso
- OWWA Kasanayan at Kabuhayan Center binuksan
- 32nd National Correctional Conciousness week ginunita
- 4 taon nagtago, pugante natiklo

