Naghain si Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito filed Senate Bill No. 2044, o “Philippine Midwifery Empowerment Act”, na naglalayong i-professionalize ang grupo ng mga propesyonal na midwife o komadrona at tapusin na ang matagal na nilang pagiging casual at job order arrangements.
Ayon kay Ejercito, nais niyang iwasto ang matagal nang kawalang-katarungan na kinakaharap ng mga komandrona na magtagal nang nagseserbisyo na wala lanang security of tenure o kasiguruhan sa panunungkulan, sapat ng kompensasyon at malinaw na pag-unlad sa kanilang karera.
“In many geographically isolated and disadvantaged areas, sila ang una, at minsan ay tanging health provider. Filipino midwives walk long distances, cross rivers, and go the extra mile to reach mothers and patients who would otherwise have no access to basic health services,” ani Ejercito.
Nakasaad sa panukala na magbubuo ng plantilla positions para sa mga midwife at magtakda ang entry-level salary (Salary Grade 13) na may layuning wakasan ng mga dekada ng kawalang-tatag sa trabaho sa nasabing sektor.
“Gusto nating tuldukan na itong pananatili nilang job order o casual employees lalo na’t tuloy-tuloy at napakahalaga naman ang kanilang serbisyo sa ating health system,” ani Ejercito.
Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng ladderized education framework para palakasin ang propesyon habang tinityak ang pagiging eksklusibo para sa mga nasa serbisyo na.
Sa panukalang equivalency rules, ang mga rehistradong mga komadrona bago ang pagpapatibay ng batas ay bibigyan ng degree na na katumbas ng nakaraang karanasan sa trabaho at natutunang kasanayan.
Ang mga nagtapos matapos ang pagpasa na batas ay sasailalim sa bridging courses para makuha ang kanilang diploma habang pinapanatili ang kanilang lisensiya sa pagsasanay.
Sabi ni Ejercito, principal author at sponsoder ng Universal Health Care Act, ang pagtitiyak sa kapakanan ng mga komadrona ay napahalaga sa paghahatid ng madaling maabot at pantay-pantay na serbisyong pangkalusugan na ipinangako ng naturang batas.
“Midwives are frontline health workers. Kung seryoso tayo sa UHC, kailangan nating palakasin ang kanilang hanay dahil mahalaga sila sa pagpapabuti ng maternal and child health,” saad ng senador.

Share.