Pipigilan ng Network for the Development of Agriculture Cooperative (NEDAC) ang problema sa malnutrition sa mga batang nasa edad 2 sa ginanap na international summit sa Lungsod ng Makati.
Ayon kay NEDAC Vice Chairman Dr. Virgilio Lazaga, nasa 45 organisasyon mula sa Pilipinas at ibang bansa ang lumahok sa summit upang mabigyan ng priyoridad ang problemang malnutrisyon sa bansa bunsod ng kahirapan.
Iminungkahi ni Lazaga na suportahan ang proyektong upang labanan ang brain stunting ng mga batang may 2 taong gulangsa pamamagitan ng paggamit ng locally produced milk ng dairy farmers sa Pilipinas.
Sinang-ayunan din ito ni AFP Ret. Major General Gilbert Llanto, na Presidente ng ACDI Multipurpose Cooperative ng Pilipinas sa pagsasabing tutugon sila sa hamon ng NEDAC na tulungan ang pag-unlad ng lokal na industriya ng gatas upang matugunan ang problema ng brain stunting sa unang 1,000 araw ng isang paslit.
Suportado naman ni Dr. Jyoti Saroop na Founder at Director ng UNATI Group of Cooperatives sa India ang program ani Lazaga upang matulungan ang mga kooperatiba na buhayin ang industriya ng gatas sa bansa.
“We are ready to support the proposal of NEDAC Vice Chairman Lazaga on a viable milk project to help address the problem of malnutrition via the MILK PROJECT”.ani Saroop.
Ipinaliwanag naman ni Dr. Michael Raymond Aragon na mahalagang ang pagkakaroon ng proyekto na “doable at sustainable” at malaki ang maitutulong sa bansa.
Trending
- PBBM, ipinag-utos 3-month suspension sa terminal fees ng PUVs sa PITX
- Banta ng destabilisasyon dahil sa nangyari sa Senado, tinabla ng AFP
- CHED ipinagpaliban pagbawas ng GE units sa kolehiyo
- Villafuerte tinukuran hakbang ng gobyerno vs fake news, deep fake
- Lolo na illegal recruiter nalambat
- Truck nahulog sa bangin sa Quezon
- Ginang na bagong ligo nagsaksak ng bintilador, nangisay
- Lalaki huli sa P420K ‘paihing krudo’ sa Bulacan ops

