Kulong ang isang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) Quezon City District Office matapos umanong mabundol ng kanyang sasakyan ang ilang pedestrian at tumakas sa lugar ng insidente sa Antipolo City, Rizal noong Agosto 14.
Batay sa paunang impormasyong nakarating sa ahensiya, sangkot ang naturang empleyado sa insidente.
Iniulat din na nakainom ang driver nang mangyari ang insidente.
Dahil dito, ipinag-utos ni LTO Chief Markus Lacanilao ang agarang pagbawi sa driver’s license ng sangkot na driver at habambuhay na diskuwalipikasyon sa pagmamaneho, alinsunod sa magiging resulta ng kaukulang proseso.
“Walang puwang sa LTO ang lasing na pagmamaneho, hit-and-run, at anumang kilos na naglalagay sa panganib sa buhay ng publiko. Lalo na kung ang sangkot ay mismong kawani ng ahensiya na inaasahang nagpapatupad ng batas,” pahayag ni Lacanilao.
“Hindi siya bibigyan ng espesyal na trato. Kung kinakailangan siyang managot sa batas at mawalan ng trabaho, ipatutupad natin ito. Walang palakasan at walang pagtatakip sa LTO,” dagdag niya.
Trending
- Faith healer patay sa saksak habang tulog
- 2 patay, 4 sugatan sa salpukan ng SUV at trak
- Estudyante sa Iloilo pinagagamit na ng transparent bag
- 4 patay sa sunog sa Pasay
- Ipinao-overhaul ang MMDA para sa trapiko, baha, basura
- Panibagong bugso ng habagat, asahan sa susunod na linggo
- Brgy. tanod sa iskul, isinusulong bilang dagdag-seguridad!
- Sept. 14 : special non-working day sa BARMM

