Hindi pa rin humuhupa ang usap-usapan tungkol kina Enrique Gil at Andrea Brown matapos silang mamataang magkasama sa Bicol International Airport.
Bukod sa naunang video na nagpapakitang magkasunod silang lumabas ng airport, may panibagong mga kuha na namang kumalat sa social media na agad pinansin ng mga netizen.
Sa isa sa mga video, napansin ng ilang netizens ang biglang “pagkambyo” ni Enrique habang naglalakad palabas ng airport.
Dahil sa kakaibang anggulong nakuhanan, umani ito ng samu’t saring reaksiyon at biro mula sa mga nanood, na lalo pang nagpakalat sa naturang clips online.
Samantala, nananatiling tikom ang bibig nina Enrique at Andrea tungkol sa patuloy na pag-uugnay sa kanilang dalawa.

Share.