Narekober ng mga awtoridad ang bangkay ng isang lalaki sa loob ng isang sinunog na kotse sa bakanteng lote sa Purok 2 Brgy, Daungan Guiguinto Bulacan 11:15 ng gabi noong Agosto 4 2026.
Sa report na tinanggap ni Acting PNP Provincial Director PCol Jay Baybayan kinilala ang biktima na si alyas Gibo, nasa hustong gulang habang agad  nadakip via Hot Pursuit Operation sa tulong na rin ng CCTV back trucking ang tatlo(3) sa anim na suspek na resposnsable sa krimen.
Kinilala ang mga nadakip na sina alyas Kulas, Tikboy at alyas Burnok, kapwa nasa hustong gulang.
Base sa paunang ibestigasyon unang nadakip si Kulas sa Brgy, San Francisco Bulakan-Bulacan, habang sina Tikboy at Burnok nadakip sa wet Market ng Malolos City.
Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis na selos umano ang isa sa mga angulo na tinitingnang sa krimen matapos umanong magkalapit ang biktima at ang kinakasama ng pangunahing suspek.
Nabatid na ang mag live-in partner ang umano’y magkasabwat sa planong pangingikil ng pera sa biktima.
Samantala, isinulat naman ng isa sa mga nadakip na suspek,ang extrajudicial confession na may 3 pa na sangkot sa panununog  na subject ngayon ng manhunt operation.
Na-recovered mula sa mga suspek ang isang itak, 9 cotton swabs at polo shirt na may mg bahid ng dugo.
Nakuha rin kay alyas Tikyo ang assorted drug paraphernalia, isang caliber .45 na may serial no.1291563 na may 25 bala, at 25 rounds o bala, ng 9MM, isang silver Suzuki APV na posibleng ginamit sa krimen.
Sasampahan ang mga suspek ng  Murder, Destructive Arson, Violation of Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), and Obstruction of Justice laban sa mga suspek.

Share.