Arestado ang isang high-value individual nang masabat ang P3.7 milyong halaga ng iligal na gamot sa isinagawang buy-bust operation sa Lucena City, Quezon.
Kinilala ang suspek sa alyas na Dan, 26-anyos, residente ng Brgy. Malabanban Norte, Candelaria, Quezon, na naaresto sa Brgy. Bocohan, Lucena City noong Martes ng gabi, Abril 28.
Sa operasyon na pinangunahan ng Quezon Provincial Drug Enforcement Unit, nakumpiska ang tinatayang 184 gramo ng ipinagbabawal na gamot na may street value na umaabot sa P3,753,600.
Narekober din mula sa suspek ang buy-bust money, isang itim na sling bag, personal na pera, at isang itim na motorsiklo na pinaniniwalaang ginamit sa ilegal na aktibidad.
Ayon kay PCol. Romulo Albacea, Provincial Director ng Quezon PPO, patunay ang operasyon sa patuloy na pinaigting na kampanya laban sa mga iligal na gawain sa lalawigan.
Panawagan din niya sa publiko ang pakikiisa at pagbibigay ng tamang impormasyon upang tuluyang masugpo ang ganitong uri ng krimen.
Trending
- Mayor na binazooka, humirit ng agarang imbestigasyon sa DOJ
- 5 NPA patay sa engkuentro sa Negros Occ.
- Tulay sa Davao, gumuho sa malakas na agos ng tubig
- NBI driver posibleng nadikitan lang ng gunpowder sa Senado – Matibag
- DILG, nilinaw kung bakit ‘di inaresto si Dela Rosa
- Giit ni Matibag: NBI ang inaatake, hindi Senado!
- NBI: Cyber warrant vs Franco Mabanta aprub na
- NBI may ‘leads’ na sa kinaroroonan ni Sen. Bato

