Natukoy ng mga awtoridad ang isang babaeng Grade 8 honor student na nasa likod ng mga online threat na ipinadala sa isang paaralan sa Jaen, Nueva Ecija.
Natunton ang estudyante sa pamamagitan ng digital forensic examination, na nag-ugnay sa mga banta sa account na pag-aari ng kaniyang magulang.
Ayon kay Police Captain Michael Garcia, acting chief ng Jaen Police Station, inamin ng estudyante ang ginawa sa harap ng kaniyang guardian, principal ng paaralan, at municipal social worker.
Sinabi ng mga awtoridad na nagawa ng bata ang pananakot habang may pinagdaraanan itong personal na problema.
Isinailalim siya sa intervention at hindi na kakasuhan dahil menor de edad.
Napag-alaman ding ulila na sa ama ang estudyante at malayo sa kaniyang ina, na nagtatrabaho bilang single parent.
“Hindi ko sukat akalain na mangyayari ito kasi malayo ako sa kanila, kasi nagtatrabaho ako. Single parent ako,” paliwanag ng ina.
Nangako naman ang estudyante na hindi na uulitin ang kaniyang ginawa.
Nagbabala ang mga awtoridad na maaaring managot sa batas ang sinumang magpapadala ng katulad na banta.
Trending
- NU target ang korona sa SSL Unity Cup
- Aby magreretiro na sa paglalaro ng volleyball
- Edu, may masakit na mensahe sa mga korap
- Kim, waging Best Global Star sa SoKor
- Priscilla, sinabihang may asim pa
- 19 pagyanig naitala sa paga-alboroto ng bulkang Mayon
- DILG, hinamon si Roque ilabas ang katibayan ng asylum approval
- DFA, tumangging magbigay ng detalye sa kinaroroonan ni Zaldy Co sa France

