Sugatan ang isang babae nang tagain ng kanyang mister kasunod ng mainitang pagtatalo dahil sa pagbibintang ng una na may kinakasama umanong iba ang kanyang asawa.
Nangyari ang insidente sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Mayao Crossing, Lucena City, 9:30 ng gabi nitong Lunes, Hunyo 29.
Ayon sa ulat ng Lucena Component City Police Station, nag-iinuman ang biktima kasama ang ilang kaibigan nang dumating ang kanyang asawang umano’y nasa impluwensiya ng alak.
Dito na umano nauwi sa mainitang pagtatalo ang mag-asawa hinggil sa umano’y pagtataksil ng suspek.
Sa gitna ng komprontasyon, sinasabing kumuha ang lalaki ng kutsilyo sa kusina, hinila ang buhok ng biktima at sinaksak o tinaga ito sa bahagi ng leeg.
Sinubukan pa umano ng biktima na harangin ang pag-atake gamit ang kanyang kanang kamay ngunit nagtamo ito ng matinding pinsala na nauwi sa pagkaputol ng kanyang kanang kamay.
Agad namang umawat ang mga saksi at dinala ang biktima sa MMG General Hospital upang malapatan ng lunas, habang mabilis na tumakas ang suspek matapos ang insidente.
Patuloy ang isinagawang hot pursuit operation ng Lucena PNP laban sa 49-anyos na suspek na nahaharap sa kasong frustrated parricide.
Patuloy namang nagpapagaling ang 44-anyos na biktima sa ospital.
====
Trending
- Kyline, inabswelto si Miguel
- Vincent, inirereto noon kay Kim Chiu
- Echo, nagpaka-fanboy kay Matt Damon
- Kings, tinapos ang Summer League sa panalo vs Hornets, 92-90
- LeBron James, ‘di pa rin nakakapili ng team na lilipatan
- UST astig sa Shakey’s Juniors volleyball semis
- Ryan Garcia, dedepensa vs Conor Benn sa Setyembre
- Friendship over na? Bela Padilla wala sa IG post ni Angelica Panganiban

