UMIWAS sa checkpoint at nanutok ng baril- barilan ang riding-in-tandem sa lungsod ng Parañaque madaling araw ng Lunes.
Inaresto ang dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo nang iwasan ang checkpoint subalit nakorner kung saan nanutok ng baril,nang mabuko na baril-barilan lang ang kanilang dala.
Nasa custodial facility na ng Parañaque City Police Station ang mga suspek na sina alyas “Kevin”, 26; at alyas “Vincent”, 23, na nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 4136 (Land Transportation and Traffic Code), Article 151 ng Revised Penal Code (resistance and disobedience to authority), at Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), bukod pa sa inisyung traffic citation dahil sa license violation, missing rear plate, at reckless driving.
Base sa ulat ni P/Colonel Nicolas Piñon,nakorner ang tandem na sakay ng Honda Click sa harap ng Waltermart, sa East Service Road ng Barangay San Martin De Porres ng alas 2:45 ng madaling araw ng Oktubre 19,
Imbes na huminto, iniulat ng mga tauhan ng Marcelo Green Substation na linagpasan sila ng walang plakang motorsiklong mga suspek na nauwi sa habulan.
Nang makorner, ang angkas umano ay bumunot ng baril at itinutok sa isang pulis, ngunit mabilis siyang naawat ng isa pang pulis. Kalaunan ay kinumpirma ng pulisya na replica lamang ang armas.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang dalawang backpack na naglalaman ng identification cards, dalawang plaka ng sasakyan, cable ties, balaclavas, isang Apple iPod, notebook, wallets, at helmets. (Gina Garcia)

