Nasawi sa mga tama ng bala ang isang barangay chairman na biktima ng ambush sa bayan ng Carmen sa probinsya ng Cotabato nitong umaga ng Linggo, August 2.
Kinumpirma nito ring Linggo ng mga local executives at ni Lt. Col. Rolly Oranza, hepe ng Carmen Municipal Police Station ang pagkasawi sa insidente ni Arnel Aliudin sa naturang pananambang, naganap sa Barangay Kibudtungan sa Carmen.
Si Aliudin, mas kilala sa Carmen bilang “Boyet,” ang barangay chairman ng Cadiis sa naturang bayan. Ang Carmen ay isa sa 17 na mga bayan na sakop ng Cotabato province na ang kabisera ay Kidapawan City.
Sa inisyal na ulat ni Oranza at ng mga municipal officials, sakay si Aliudin ng kanilang Mitsubishi L300 barangay service vehicle ng ma-ambush sa Barangay Cadiis ng mga salarin na mabilis na nakatakas, iniwan siyang duguan, nakabulagta sa loob ng naturang sasakyan.
Ayon sa mga officials ng Cotabato Provincial Police Office, nagtutulungan ang mga local executives sa Carmen at sina Oranza at ang kanyang mga tauhan sa pagkilala sa mga pumatay kay Aliudin upang masampahan ng kaukulang mga kaso.
Trending
- Aira Villegas at Albert Ian Delos Santos, flag bearer sa Asian Games
- Elena Rybakina, bagong World No. 1 sa women’s tennis
- Sofia Andres, binunutan ng walong ngipin, nabungal!
- Pops, unang nakatapak sa star ni Lea
- Bianca, ginawang debut ang 90th bday ng lola!
- 2 SUV winasak ng grupo ng Partisano
- Kaso vs Michelle Dee, Rhian Ramos at iba pa, ibinasura
- DSWD sinuportahan ang regulasyon sa online platform

