Kinumpirma ng Bacolod City Veterinary Office (CVO) na may bagong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa Barangay Alangilan, kaya umabot na sa limang barangay ang apektado sa lungsod.
May isa ring kumpirmadong kaso sa Barangay Alijis, na naunang tinamaan ng ASF kasama ang Barangay Taculing. Noong Hunyo, nagkaroon din ng tig-isang kaso sa Barangays Granada at Bata.
Patuloy ang disinfection operations ng CVO sa mga apektadong lugar upang mapigilan ang pagkalat ng virus.
Ayon kay Dr. Janine Sarthou, assistant city veterinarian, pinaigting ang surveillance at monitoring sa mga apektado at karatig na lugar.
Hinikayat ang mga hog raisers na paigtingin ang biosecurity measures, panatilihin ang kalinisan ng mga kulungan, at agad iulat ang anumang kakaibang sakit o pagkamatay ng mga baboy.
Nanawagan din ang CVO ng patuloy na kooperasyon at pagbabantay mula sa mga mag-aalaga ng baboy, opisyal ng barangay, at iba pang stakeholder upang maprotektahan ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.
=====
Trending
- Lady Red Spikers nakamit ang ikalawang tagumpay
- Qatar tinambakan ang Iran 9 days bago ang opening ceremony ng Asian Games
- Isabelle Daza nagregalo ng cellphone sa tindera
- Katherine Luna fan mode nang makasama mga sikat na artista
- Dina Bonnevie sobrang love ang manugang niyang si Kristine Hermosa
- BARMM elections madugo
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre
- 55 wildlife traders, timbog sa operasyon ng DENR

