Ligtas na ang 36 Filipino seafarers matapos makalabas ang dalawang barkong kanilang sinasakyan sa Strait of Hormuz, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) noong Martes.
Sa isang social media post, sinabi ng DMW na naipit ang mga barko sa Persian Gulf dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa Middle East. Ang mga seafarer ay sakay ng mga sasakyang-dagat na may bandilang Russian at Liberian.
Dahil dito, umabot na sa humigit-kumulang 1,000 ang bilang ng mga Pilipinong seafarer na nakalabas mula sa Strait of Hormuz, ayon sa ahensya.
“The DMW continues to closely monitor vessel movements in the region and maintain coordination with manning agencies and shipowners to ensure the safety and welfare of Filipino seafarers,” ayon sa DMW.
Dagdag pa ng ahensya na “keeps communication lines open with the affected seafarers and their families.”
Nauna nang idineklara ng DMW ang Persian Gulf at Strait of Hormuz bilang isang “warlike operations area,” na nagbibigay-daan sa mga Filipino seafarer na tumangging maglayag sa mga high-risk na lugar.
Nauna ring iniulat ng United Nations’ International Maritime Organization (IMO) na nasa 20,000 seafarers at 15,000 cruise ship passengers ang naipit sa Gulf dahil sa sigalot.
Samantala, inanunsyo ng United States noong Abril 13 ang pagpapatupad ng blockade sa Iran-related shipping at naibalik ang 37 barko matapos mabigo ang usapan nito sa Iran upang matigil ang tensyon.
===
Trending
- Cebu host ng Asian Beach Games sa 2028
- Thunder tinalo ang Suns
- Bea isinasangkot sa reklamo?
- Lovi, ‘di papasukin ang pulitika
- Toni, tinabla si PBBM para kumandidato
- Labor groups, nanawagan ng mas mataas na sahod, mas mababang buwis
- Zaldy Co may aplikasyon sa asylum sa France
- Mas mahigpit na batas vs online sexual abuse

