SWAK sa kulungan ang apat na nahuli kabilang ang mismong kahera ng isang kilalang convenience store kaugnay sa P134,744 na halaga ng mga kahon ng alak at iba’t ibang brands ng mga ream ng sigarilyo, sa Brgy. Putatan, Muntinlupa city ng Martes.

Ang mga suspek ang 37-anyos na babaeng kahera, empleyado ng convenience store, na sinampahan ng reklamong qualified theft; 24 at 32 anyos na tricycle drivers, at isang 24 anyos na pinagbagsakan ng nakaw na paninda.

Base sa ulat, hinuli ng Intelligence Section ng Muntinlupa City Police Station ang apat sa reklamong idinulog ng may-ari ng grocery ang insidente nang matukoy ang discrepancy at pekeng resibo na inisyu ng kahera.

Sa isinagawang surveillance ng pulisya, nang isasakay na sa tricycle ang mga pinamili, ay hinarang na sila at inaresto, pati ang kasabwat na kahera.

Umamin umano ang mga driver na na-deliver na ang naunang mga produkto sa Alabang.

Sa follow-up operation, nahuli ang ika-apat na suspek at nabawi ang iba pang paninda.

Nasa kabuuang 15 kahon ng alak, iba’t ibang ream ng sigarilyo ang narekober at kinumpiska din ang sangkot na mga sasakyan.
Theft
“Betrayal of trust within a business is still theft, and we will pursue it with the same resolve.

NCRPO stands with every honest entrepreneur in Metro Manila,” ani National Capital region Police Office Officer-in-Charge P/Brig. Gen. Christopher Abrahano.(Gina Garcia)

Share.