Arestado ang 43-anyos na dating preso nang mang-hostage ng isang babae sa Barangay Barangka Drive, Mandaluyong City nitong Miyerkules, Setyembre 16.
Ayon sa Eastern Police District, nangyari ang insidente sa isang apartment sa E. Pantaleon Street 9:30 ng umaga nang i-report ng building manager ang hostage-taking.
Agad na rumesponde ang mga pulis at nakipagnegosasyon sa suspek na kinilalang alyas “Ed.” Makalipas ang halos isang oras, pinasok ng mga awtoridad ang kuwarto at nasagip ang 52-anyos na biktima.
Narekober mula sa suspek ang isang fan knife na umano’y ginamit sa insidente.
Batay sa paunang imbestigasyon, kamakailan lamang nakalaya sa kulungan ang suspek at nagpahayag umano ng kagustuhang makabalik sa piitan. Wala umanong dating relasyon o personal na koneksyon ang suspek at biktima.
Dinala ang dalawa sa Mandaluyong City Medical Center para sa medical examination.
Nahaharap ang suspek sa reklamong serious illegal detention at paglabag sa Batas Pambansa Blg. 6 kaugnay ng illegal possession of a deadly weapon.
=====
Trending
- Zverev nasungkit ang ikalawang grand slam title
- Lady Warriors tinuldukn ang 3-game slide laban sa Altas
- MC, Lassy wala na sa ‘It’s Showtime’
- Chloe San Jose may pasabog tungkol kay Eldrew Yulo
- Marian Rivera sikat pa rin sa Vietnam
- 8 na lang ‘missing’ sa nasunog na barko; 4 pasahero ‘di nakasakay
- Binatilyo nakuhanan ng P1.19m shabu
- NCRPO isasailalim sa full alert simula Sept. 19

