Nasawi ang isang tanod nang saksakin ng kapwa tanod gamit ang isang kutsilyo sa Purok 5, Barangay Labrador, Ormoc City noong Biyernes ng gabi, Agosto 21.

Ayon sa impormasyon mula sa Ormoc City Police Station, ang suspek at ang live-in partner nito ay 35-anyos ang edad habang ang biktimang chief tanod ay 55-anyos.

Lumalabas na love triangle ang sanhi o motibo ng pananaksak. 

‎Kwento ng suspek sa mga awtoridad, susunduin na sana niya ang kanyang live-in partner sa kanilang bahay dahil may pupuntahan silang okasyon pero naabutan niya ang kanyang kapwa tanod at live-in partner na nagtatalik.

Pero imbes na komprontahin niya ang mga ito,  kumuha siya ng kutsilyo at pinagsasaksak ang mga ito. 

Napuruhan ang chief tanod habang nasaksak naman sa dibdib ang live-in partner na ginagamot pa sa ngayon sa ospital. 

‎Nakuha din ng mga awtoridad ang kutsilyong ginamit sa pananaksak. 

‎Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang suspek matapos ang kremin at nasampahan ito ng kasong murder at frustrated murder.

 

Share.