Nasawi ang dalawang 22-anyos at apat ang sugatan nang magsalpukan ang isang SUV at truck sa national highway sa Barangay Banaoang, Bantay, Ilocos Sur noong Agosto 19.
Ayon sa Bantay Municipal Police Station, kapwa residente ng Mangaldan, Pangasinan ang driver ng SUV at isa nitong pasahero na nasawi sa aksidente.
Apat pang pasahero ng SUV ang nasugatan at isinugod sa pinakamalapit na ospital.
Nagtamo rin ng minor injuries ang 48-anyos na driver ng truck, na residente ng Anda, Pangasinan.
Batay sa paunang imbestigasyon, sinabi ni Police Lt. Ronie Corpuz na patungong hilaga ang truck nang umano’y mapunta sa lane nito ang kasalubong na SUV, dahilan upang magkaroon ng head-on collision.
Sa lakas ng impact, matinding napinsala ang dalawang sasakyan, partikular ang SUV.
Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang eksaktong sanhi ng aksidente. Hinihintay din ang resulta ng medico-legal examination upang matukoy kung may alcohol o iba pang salik na maaaring nakaambag sa insidente.
Dahil dito, pinaalalahanan ng Bantay police ang mga motorista na maging maingat at responsable sa pagmamaneho upang maiwasan ang mga katulad na aksidente.
Trending
- Faith healer patay sa saksak habang tulog
- 2 patay, 4 sugatan sa salpukan ng SUV at trak
- Estudyante sa Iloilo pinagagamit na ng transparent bag
- 4 patay sa sunog sa Pasay
- Ipinao-overhaul ang MMDA para sa trapiko, baha, basura
- Panibagong bugso ng habagat, asahan sa susunod na linggo
- Brgy. tanod sa iskul, isinusulong bilang dagdag-seguridad!
- Sept. 14 : special non-working day sa BARMM

