Sinira at pinasok ang isang automated teller machine (ATM) ng mga kawatan sa loob ng isang grocery store sa San Pablo City, Laguna.
Nadiskubre ang insidente 6:50 ng umaga noong Miyerkules, Agosto 19, sa isang Puregold branch sa Barangay I-A, Colago Avenue, nang mapansin ng mga empleyado ang butas sa gilid ng gusali habang nagsasagawa ng inspeksiyon bago buksan ang tindahan.
Nang siyasatin ang lugar, natagpuan ang isang Metrobank ATM na wasak, at tinatayang hindi pa matukoy ang halaga ng perang kinuha mula rito.
Ayon sa imbestigasyon ng San Pablo City Police Station, tatlong hindi pa nakikilalang lalaki, na pawang nakasuot ng itim na jacket at itim na pantalon, ang umano’y sangkot at tumakas patungo sa hindi pa matukoy na direksiyon.
Agad na nagsagawa ng initial investigation ang mga pulis, kabilang ang pagkuha ng mga pahayag ng mga empleyado at security guard, gayundin ang backtracking at pagsusuri sa mga available na CCTV footage para matukoy ang mga suspek at kanilang dinaanang ruta.
Humingi na rin ng tulong sa SOCO ang pulisya habang patuloy ang imbestigasyon para matukoy ang mga responsable at malaman ang eksaktong halaga ng perang natangay.
=====
Trending
- Faith healer patay sa saksak habang tulog
- 2 patay, 4 sugatan sa salpukan ng SUV at trak
- Estudyante sa Iloilo pinagagamit na ng transparent bag
- 4 patay sa sunog sa Pasay
- Ipinao-overhaul ang MMDA para sa trapiko, baha, basura
- Panibagong bugso ng habagat, asahan sa susunod na linggo
- Brgy. tanod sa iskul, isinusulong bilang dagdag-seguridad!
- Sept. 14 : special non-working day sa BARMM

