Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang tinatayang P8.375 milyong halaga ng hinihinalang ketamine na itinago sa isang resin rabbit figurine.
Isinagawa ang operasyon katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Clark Inter-Agency Task Force Against Illegal Drugs, matapos umanong makatanggap ng impormasyon mula sa PDEA tungkol sa parcel.
Nagmula umano sa France ang shipment at idineklarang “Indoor Decorative Molded Polyresin Ornament.”
Pagdating sa bansa, sumailalim ito sa standard inspection procedures, kabilang ang K-9 sniff test na nagpositibo sa indikasyon ng ilegal na droga.
Sa isinagawang pisikal na pagsusuri, natuklasan sa loob ng rabbit figurine ang tinatayang 1,675 gramo ng hinihinalang ketamine. Nagpakita rin ng positibong resulta ang inisyal na pagsusuri gamit ang Rigaku Spectrometer.
Naglabas na rin ang BOC ng Warrant of Seizure and Detention laban sa kargamento dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act, kaugnay ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Tiniyak naman ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno na patuloy na paiigtingin ng ahensya ang pagbabantay sa mga paliparan at iba pang ports of entry upang mapigilan ang pagpasok ng ilegal na droga at iba pang kontrabando.
===
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet

