Nagtamo ng maselang mga sugat at pasa sa katawan ang 14 katao na sakay ng limang sasakyan na inararo ng isang boom-type lifter crane truck ng 545th Army Engineering Brigade sa Barangay Kajatian sa Indanan, Sulu noong Biyernes.
Sa ulat nitong Sabado ng mga local executives sa Indanan at ng Sulu Provincial Police Office, nasa kustodiya na ng Indanan Municipal Police Station ang sundalong driver ng naturang heavy equipment, boluntaryong nagpa-kustodiya sa mga barangay officials at mga pulis na nagresponde sa insidente.
Ayon sa mga barangay officials at mga imbestigador mula sa Indanan police force, nawalan ng control ang driver ng Army crane truck dahil sa mechanical trouble kaya nito nasapol ang dalawang Tamaraw FX at tatlong mga tricycle bago sumalpok sa isang bahay sa gilid ng highway sa Barangay Kajatian.
Agad na dinala sa Sulu Provincial Hospital sa hindi kalayuang bayan Jolo ang mga local government emergency responders at mga pulis ang 14 na mga sakay ng limang sasakyan na nagtamo ng mga sugat, bukol at pasa sa katawan upang malapatan ng lunas.
Nagpaabot na ng inisyal na ayudang kailangan sa kanilang pagpapagamot ang local government unit ng Indanan at mga officials ng 545th Army Engineering Brigade.
Trending
- ALEX EALA KAMPEON SA WTA 500
- Call Center Agent, natagpuang patay sa liblib na lugar
- 5 sasakyan inararo ng Army crane truck: 14 sugatan
- Rider todas sa salpukan ng bus at motorsiklo:
- Tulak habambuhay kulong
- Pinoy seafarer patay sa pag-atake sa Black Sea
- Pastor patay sa ambush
- Paras wala pang natatanggap na subpoena mula NBI

