Nakunan ng video ang panggugulpi sa isang 29-anyos na lalaki sa tabing kalsada sa Barangay Immaculate Concepcion, Quezon City, noong Huwebes ng umaga, Hulyo 30.
Sa video na kuha ng isang concerned citizen, makikita na nakorner ng dalawang lalaki ang isa pang lalaki na nahubuan na ng salawal.
Pinagmumura, pinaghahampas ng kahoy, pinagtatadyakan at pinagsusuntok ang lalaki na umiiyak at nagmamakaawa, hanggang sa tuluyang makawala at makatakbo.
Ang bugbog-saradong lalaki, nang-harass pala ng isang grade 3 student na babae na agad nakapagsumbong sa kanyang tatay.
Ang nakita sa video na dalawang lalaki ay ang tatay at ninong ng estudyante.
Nasa kustodiya na ng Kamuning Police ang nang-harass na lalaki at doon siya pinuntahan ng kanyang lola na labis na nag-alalala sa kanyang sinapit sa kamay ng dalawang nambugbog sa kanya.
Dahil sa bugso rin ng damdamin, nasaktan ng lola sa presinto ang dalawang lalaki na nambugbog sa apo.
Mahaharap sa reklamong child abuse ang nang-harass na lalaki.
Habang slight physical injury ang inihaing reklamo laban sa dalawang nambugbog at sa ginang na nanakit sakanila.

Share.