Nagpatupad ng pansamantalang 40 kilometers per hour (kph) speed restriction ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos makaranas ng signaling issue sa pagitan ng Santolan station at Ortigas station sa southbound line.
Ayon sa advisory ng MRT-3 nitong Martes, nagsimula ang problema matapos ang Automatic Train Protection (ATP) brake activation 6:08 ng umaga.
Naging dahilan umano ito upang limitahan ang bilis ng mga tren bilang pag-iingat, kung saan 18 tren lamang din umano ang nasa operasyon.
Dahil dito, nakaranas ng mabigat na volume ng mga pasahero sa ilang estasyon habang ipinatutupad ang crowd management measures para matiyak ang kanilang kaligtasan.
Samantala, sa abiso bandang 7:07 ng umaga, inanunsiyo ng MRT-3 na 19 na tren na ang bumibiyahe sa mainline, habang patuloy na inaayos ang operasyon.
Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa mga komyuter at tiniyak na patuloy nilang ipinapatupad ang mga hakbang upang mapanatili ang ligtas na biyahe ng mga pasahero.
====
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

