AGAD iniutos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Officer-in-Charge P/Brig.Gen. Christopher N. Abrahano imbestigasyon at pagsasagawa ng summary dismissal proceedings laban sa isang pulis ng Manila Police District (MPD) na nahaharap sa kasong grave threats at physical injuries kaugnay umano sa pagbunot ng kanyang service firearm at pagsipa sa isang drayber ng e-bike sa Tondo, Maynila.
Inatasan ni NCRPO chief ang Manila Police District (MPD) at ang mga kinauukulang tanggapan ng NCRPO na nangangasiwa sa disiplina ng mga tauhan na tiyaking maaaksyunan agad ang kasong administratibo at maayos na maidodokumento at masusuri ang lahat ng ebidensya.
Binigyang-diin niya na ang pagsusuot ng uniporme ng pulisya at pagdadala ng baril na pag-aari ng pamahalaan ay mga responsibilidad na nangangailangan ng disiplina, pagpipigil sa sarili, at paggalang sa karapatan ng bawat indibidwal—at hindi mga pribilehiyong nagbibigay-karapatan sa sinuman na manakot o manakit ng mga mamamayan.
“Let this serve as a clear warning to every police officer: your badge and firearm do not put you above the law. Anyone who uses police authority to threaten, intimidate, or harm another person will be held accountable. I will not tolerate behavior that betrays the trust placed in us by the public,” pahayag ni PBGen. Abrahano.
Muling pinaalalahanan ni NCRPO director ang lahat ng hepe ng pulisya na mahigpit na subaybayan ang asal at pag-uugali ng kanilang mga tauhan, agarang aksyunan ang mga reklamong may kaugnayan sa pang-aabuso, at tiyaking nairerekomenda para sa kaukulang aksyong administratibo ang sinumang pulis na mapatutunayang lumabag sa mga alituntunin.
Binigyang-diin ng opisya, na hindi kukunsintihin o poprotektahan ng NCRPO ang sinumang tauhang sangkot sa maling gawain. Tiniyak din niya na patuloy na isusulong ang pananagutang administratibo nang hiwalay sa anumang kasong kriminal, alinsunod sa mga ebidensya at sa prinsipyong dapat manaig ang wastong proseso ng batas (due process).(Gina Garcia)
Trending
- Pulis-Maynila kinastigo, nananakot
- Gadgets sa barangay hall ninakaw, 4 kawatan arestado
- Paslit minolestiya, tambay dinampot
- Bangkay sa toilet , suspek timbog
- May-ari ng pet crematorium sumuko sa NBI
- Emergency room sa Ospital ng Maynila umapaw
- Misis pinagtataga ng bading, naospital
- WCM Nicolas nahasa nang todo sa Czech Republic

