Magsasampa pa ang National Bureau of Investigation (NBI) ng karagdagang 30 kaso sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng mga umano’y maanomalyang flood control projects sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, umabot na sa 27 kaso ang kanilang naihain, kabilang ang mga reklamo laban kina Sen. Jinggoy Estrada, dating Senador Bong Revilla, dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, at ilang district engineer ng DPWH.
Binigyang-diin ni Matibag na hindi lamang nakasentro sa Taguig City, na balwarte ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, ang kanilang imbestigasyon.
Aniya, mas malawak ang saklaw ng mga kasong isinasampa ng NBI at patuloy ang kanilang pagtutok sa iba pang proyektong flood control na pinaghihinalaang ginamit sa katiwalian.
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon, layon ng NBI na mas mapalawak pa ang pananagutan ng mga sangkot sa mga proyektong nagdulot ng malaking pagkalugi sa kaban ng bayan.
Tiniyak din nitong hindi napag-iiwanan ang iba pang mga usapin na kanilang sinisiyasat.
Trending
- Gonzales, ‘bituin na patuloy na bubuo’ ang batang guard ng NLEX — Alapag
- Padel Pilipinas naghahanda na para sa Asian Games
- Raymart, ibinida ang bonding kasama si Santino
- Kelvin, muntik nang manakit, di pa napapatawad ang nakabangga sa ama
- Jeric, may reax sa pagdodoktor ni Rabiya
- Estudyanteng binully natagapuang patay sa ilog
- Mister kulong ng tanggihan ni misis bumembang
- 14-anyos, sexslave ng ama simula 4-anyos pa lang

