Nasugatan ang 20 katao nang magbanggaan ang isang jeepney at sports utility vehicle (SUV) sa Reina Mercedes, Isabela.
Nangyari ang insidente sa Barangay Tallungan noong Huwebes ng tanghali, Mayo 7.
Batay sa imbestigasyon, biglang napunta sa kabilang linya ang SUV at nabangga ang kasalubong na jeepney.
Dahil sa lakas ng impact, nawalan ng kontrol ang drayber ng jeepney dahilan upang ito ay tumaob at dumausdos sa kalsada.
Patungo sana sa Ilagan City ang jeepney na may sakay na 20 pasahero, karamihan ay mga nursing student, habang biyaheng Cauayan City naman ang SUV.
Agad na isinugod sa ospital ang drayber ng jeepney at mga pasahero nito.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.
Trending
- Manila AQ Prime Assets, Itinaas ang Rekord sa PCAP sa 4–0
- BSKE: TRO hiniling ni Macalintal sa urgent motion
- Pekeng hotel accomodations, nauuso sa “ber months” : Mag-ingat
- MAG-INGAT: SCAMMERS GAMIT ANG NCAP
- NBI AAKSIYUNAN ANG SAGOT NI VP SARA SA ALEGASYON NI GRACIOSO
- MASTER SERGEANT TANGGAL SA PWESTO
- Bebot na “tulak”, nalambat
- Piolo Pascual ganado ngayong Pasko

