Nagkaaberya ang US-bound flight na lulan nina Kim Chiu at Paulo Avelino even before it left Manila.
Ito’y para sa world tour ng KimPau.
Agad kumalat ang tsikang natengga sila nang dalawang oras sa airport bago nabigyan ng clearance makalipad.
Nag-worry ang kanilang mga fans lalo’t the next day na ang show nila sa US.
Siyempre nga naman, kailangan din nilang magpahinga sa haba ng biyahe.
In fairness sa mga fans, kahit madaling araw na’y naghintay pa rin sila sa airport until their idols’ plane departed.
Game namang nagpaunlak ng photo op ang KimPau na nakatanggap ng maraming gifts from the fans.
Nauna nang nagtanghal ang KimPau sa Redwood City nitong April 24, followed by another show in Anaheim nitong April 26.
Sa May 1 naman ay nasa Edmonton, Canada sila na susundan ng show sa Toronto sa May 3.
Trending
- PBBM, ipinag-utos 3-month suspension sa terminal fees ng PUVs sa PITX
- Banta ng destabilisasyon dahil sa nangyari sa Senado, tinabla ng AFP
- CHED ipinagpaliban pagbawas ng GE units sa kolehiyo
- Villafuerte tinukuran hakbang ng gobyerno vs fake news, deep fake
- Lolo na illegal recruiter nalambat
- Truck nahulog sa bangin sa Quezon
- Ginang na bagong ligo nagsaksak ng bintilador, nangisay
- Lalaki huli sa P420K ‘paihing krudo’ sa Bulacan ops

