Sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na pinapalakas nila ang back-end systems ng eGov PH app upang maiwasan ang downtime na dulot ng biglaang dami ng gumagamit.
Ayon sa DICT, ina-upgrade nila ang servers at dinadagdagan ang cloud capacity para mas kayanin ang mas mataas na demand ng users.
Nakikipag-ugnayan din ang ahensya sa iba’t ibang government agencies upang matiyak na stable at maayos ang integration ng kanilang mga sistema sa platform.
Noong nakaraang linggo, nilinaw ng DICT na ang naging temporary downtime ng app ay hindi dahil sa security breach, kundi dahil sa sobrang dami ng sabay-sabay na transaksyon.
“Instead of relying only on a central system, agencies are now expected to better manage their own systems while staying connected through the eGov PH platform. This is meant to reduce bottlenecks and prevent system-wide outages. The government is also seeking additional funding to support these upgrades as more Filipinos continue to use the app,” ayon kay DICT Undersecretary David Almirol Jr.
Umabot na sa humigit-kumulang 40 milyong downloads ang eGov PH app at nakakonekta na ito sa nasa 1,000 government systems.
Ayon sa DICT, nagsimula ang mga ulat ng outage bandang April 13 kung saan maraming users ang hindi maka-login o makapag-transact.
Sinabi ng DICT na layunin nila ngayon ang bumuo ng mas matatag at maaasahang sistema na kayang mag-accommodate ng milyon-milyong users nang walang aberya.
===
Trending
- PBBM, ipinag-utos 3-month suspension sa terminal fees ng PUVs sa PITX
- Banta ng destabilisasyon dahil sa nangyari sa Senado, tinabla ng AFP
- CHED ipinagpaliban pagbawas ng GE units sa kolehiyo
- Villafuerte tinukuran hakbang ng gobyerno vs fake news, deep fake
- Lolo na illegal recruiter nalambat
- Truck nahulog sa bangin sa Quezon
- Ginang na bagong ligo nagsaksak ng bintilador, nangisay
- Lalaki huli sa P420K ‘paihing krudo’ sa Bulacan ops

