Kinumpirma ni Justice Secretary Fredderick Vida na wala na sa kustodiya ng Czech authorities ang puganteng si dating Ako Bicol Partylist Rep.Zaldy Co., habang patuloy ang hakbang ng pamahalaan para maibalik siya sa Pilipinas upang harapin ang kasong corruption at malversation kaugnay ng umano’y ghost flood control project.
“I have to share difficult news. Czech authorities have informed us that Mr. Zaldy Co is no longer in their custody,” pahayag ni Vida sa news briefing matapos makipagpulong sa mga opisyal ng Czech Republic sa Prague.
Ayon kay Vida, nananatili si Co sa Schengen area ngunit hindi ibinunyag ng Czech authorities kung saan ito nagtungo o saang bahagi lumabas. “They’re citing Schengen rules and data privacy provisions,” ani Vida.
Dagdag niya, binanggit din ng Czech officials ang kawalan ng police cooperation agreement sa pagitan ng Pilipinas at Czech Republic, bagamat pinag-uusapan na ito ng dalawang bansa.
Sinabi ni Vida na siya ay “disappointed” matapos ang halos isang oras na pulong sa kanyang Czech counterparts.
“I am disappointed by the lack of knowledge. They expressed that they understand the gravity of the case and the Filipino public. I am confused about the legal parameters from which this is coming,” dagdag ni Vida.
Nauna nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Abril 16 na naaresto si Co sa Prague matapos umanong pumasok sa Czech Republic nang walang tamang dokumento.
Noong Nobyembre 2025, naghain ang Ombudsman ng kasong corruption at malversation sa Sandiganbayan laban kay Co, ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways Region 4B, at mga direktor ng Sunwest Corporation kaugnay ng umano’y maanomalyang P289 milyong flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro.
Trending
- DOJ: Walang nangyaring pag-atake sa Senado
- NBI blangko pa sa ICC warrant vs Sen. Go
- Cayetano tanggap na ‘di na siya ang senate president
- Teammates nina Baterbonia, Adili nagpakita sa PNP
- 24 North Genesis bus, sinuspinde sa road crash sa Baguio City
- 4 Taiwanese ilegal na pumasok ng Pinas timbog
- P56m droga, buking sa parcel sa NAIA
- 92 puganteng may kasong sexual offenses, naaresto

