KALABOSO ang tatlong kawatan na nanloob sa bahay ng 62-anyos na biktima na nagkataong wala sa kanyang tirahan nang masakote ng pulisya at barangay tanod Lunes ng gabi sa Malabon City.

Nabawi rin ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Kenneth Mission sa tatlong kawatan na sina alyas “Jericho”, 29, alyas “Marlon” 37, at alyas “Michael” 38, ang mga tinangay nilang power tools at personal na gamit ng biktima na umaabot sa halagang P54,739.00 na inilagay nila sa maleta at duffel bag.

Sa tinanggap na ulat ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Officer-in-Charge P/BGen. Christopher Abrahano, nakita ng 46-anyos na parking attendant ang pagsakay ng tatlong suspek sa isang makeshift banca para tumawid ng ilog patungo sa bahay ng biktima sa C. Arellano St. Brgy. Ibaba dakong alas-7:00 ng gabi.

Naghinala na ang testigo kayat inabangan niya kung ano ang gagawing masama ng tatlo hanggang makita niyang umakyat sa rooftop ng bahay ng biktima ang mga ito at nang lumabas ay bitbit na ang mga kinulimbat na gamit.

Agad na ipinabatid ng testigo sa barangay tanod at pulisya ang nasaksihan na nagresulta sa agarang pagkakadakip sa mga kawatan at pagkabawi sa kanilang mga tinangay sa biktima.

“Through visible patrols, vigilant residents, and close coordination with barangay tanods, we will strengthen community partnerships to prevent crime and keep our neighborhoods safe,” pahayag ni BGen. Abrahano. (Edison de Jesus)

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.

Share.