Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang babae na umano’y sangkot sa panloloko sa kanyang kababata kaugnay ng transaksyon sa luxury bags sa isang operasyon sa Greenland Village, Barangay Rosario, Pasig City.
Kinilala ang akusado sa alyas “Aira,” 36-anyos, na itinuturing na Top 9 Most Wanted Person ng Pasig City. Naaresto siya sa isinagawang operasyon ng CIDG noong Abril 27.
Ayon sa CIDG, magkaibigan mula pa elementarya ang biktima at akusado, at dating magkapitbahay sa Sampaloc, Manila.
Lumabas sa reklamo na noong Enero 2025, nag-post ang biktima ng mga luxury bag at iba pang items mula Japan sa kanyang Facebook account. Dito umano nagpakita ng interes ang akusado sa mga ibinebentang gamit.
Noong Pebrero 1, 2025, nag-isyu umano ang akusado ng dalawang tseke na may petsang Marso 31 at Abril 3, 2025, na tig-P75,000 bilang kabayaran sa isang Louis Vuitton bag. Gayunman, kalaunan nadiskubreng walang sapat na pondo ang kanyang bank account.
Bumalik umano ang mga tseke dahil sa “Drawn Against Insufficient Funds,” at sa kabila ng abiso at paulit-ulit na paniningil, hindi umano ito nabayaran.
Dahil dito, nahaharap ang biktima ng kasong estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code.
Kasunod ng kanyang pagkakaaresto, maraming umano’y biktima rin ang nagtungo sa CIDG National Capital Region upang magsampa ng kanilang mga reklamo.
Trending
- Hunyo idineklarang “Judiciary Month” ni PBBM
- ‘Pinas tinanggal ban sa Belgian poultry
- Ping Lacson aminadong naisip mag-resign sa Senado
- Pia Cayetano nangumusta, naka-move on na sa pagiging emosyonal sa Senado
- DOH todo bantay sa mga border ng bansa vs Ebola
- US green card seekers kailangan nang mag-apply mula sa home country
- PBBM, pinalakas ang ugnayan ng Pilipinas sa Global Development Programs
- Jacamos sasabak para sa bakanting WBC Youth World junior fly sa South Africa
