Nasawi ang isang babaeng manager ng isang microfinance company nang pagbabarilin habang sakay ng kanyang motorsiklo ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Purok 9, Barangay San Jose, Quezon, Bukidnon nitong Sabado ng hapon.
Kinilala ang biktima sa alyas na “Inday,” residente ng Barangay 9, Poblacion, Quezon.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Quezon Municipal Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang Honda XRM 125 nang lapitan at pagbabarilin ng isa sa dalawang salarin.
Nagtamo ang biktima ng dalawang tama ng bala sa katawan na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng isang motorsiklo.
Sa isinagawang imbestigasyon sa lugar, nakarekober ang mga awtoridad ng dalawang basyo ng bala mula sa kalibre .45 na baril.
Dinala pa sa ospital ang biktima, habang nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng pulisya upang matukoy at maaresto ang mga responsable sa krimen.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan
