Nasamsam ang tinatayang P1.3 milyong halaga ng mga smuggled cigarettes sa isang maritime operation sa karagatan ng Maasim, Sarangani nitong Biyernes, July 24
Dalawang motorized boat ang naharang ng pulisya, kung saan natagpuan ang 22 sako ng puslit na sigarilyo. Isang suspek ang naaresto habang nakatakas naman ang isa at patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.
Kinumpiska rin ang dalawang bangka na umano’y ginamit sa pagdadala ng kontrabando. Isinasagawa na ang inventory at dokumentasyon ng mga nasamsam bilang paghahanda sa pagsasampa ng kaukulang kaso.
Nanindigan si PRO 12 Acting Regional Director PBGEN Alan B. Manibog na patuloy na paiigtingin ng pulisya ang kampanya laban sa smuggling at tutuligsain ang mga sindikatong sangkot sa ilegal na kalakalan.
=====

Share.
Exit mobile version