Through her veins nga ba’y nananalaytay ang dugong pulitiko?
Natanong kasi ang actress cum film producer na si Lovi Poe kung tulad daw ba ng kanyang amang si the late Fernando Poe Jr. at half-sister na si Senator Grace Poe ay papalaot din siya sa pulitika.
Matatandaang 2004 nang tumakbong Pangulo si FPJ pero hindi ito pinalad.
Instead it was FPJ’s daughter Grace who tried her luck in politics.
Grace had served as MTRCB Chairwoman before getting a seat at the Senate.
Following her family history, does Lovi see herself na nasa gobyerno rin?
Tahasang sinagot ni Lovi ang tanong.
“Let’s be honest, l am pretty happy where I am now,” simula niya, referring to her showbiz career, both as an actress and a budding film producer.
Patuloy ni Lovi: “This industry is for me!”
Tinandaan naman ng maraming netizens ang pahayag na ‘yon ng actress-producer.
Anila, posible raw kasing magbago ang mindset nito.
Kung hindi sa 2028, maaaring magbago raw ang desisyon nito after and so on.
Proven na kasi na malaki rin ang nagagawa ng mga supporters na buma-back up sa mga kandidato who were initially reluctant to run for public office.
Trending
- Cebu host ng Asian Beach Games sa 2028
- Thunder tinalo ang Suns
- Bea isinasangkot sa reklamo?
- Lovi, ‘di papasukin ang pulitika
- Toni, tinabla si PBBM para kumandidato
- Labor groups, nanawagan ng mas mataas na sahod, mas mababang buwis
- Zaldy Co may aplikasyon sa asylum sa France
- Mas mahigpit na batas vs online sexual abuse

