Pinangunahan ng star player na si Paolo Banchero ang kanyang koponan na Orlando Magic sa kanilang panalo kontra Detriot Pistons sa iskor na 113-105 at umabante sa 2-1 sa kanilang first-round series sa NBA playoffs.
Nagpakitang gilas si Banchero ng kaniyang angking galing na muntikang mauwi sa isang triple double performance kung saan nagtala ito ng 25 puntos, 12 rebounds at 9 na assist. Habang malaking ambag naman ang 25 din ni Desmond Bane at dagdag puntos nina Franz Wagner na 17 puntos, Jalen Suggs 15 puntos, at ang 14 puntos at 17 rebounds ni Wendell Carter.
Hawak ng Magicang kalamangan sa 96-79 sa huling 8:34 minuto ng fourth quarter nang rumatsada ang Piston at nilamangan ang Orlando matapos ang 26-8 run sa sumunod na anim na munuto
Gayunman, hindi napanatili ng Pistons ang abante matapos bumawi ang Magic ng 9-0 run sa huling bahagi ng laban.
Habang nasayang naman ang 27 puntos ni Cade Cunningham na pinangunahan ang Pistons. Gayundin ang ambag na 23 puntos ni Tobias Harris.
Ang game 4 ay inaashaang gaganapin sa Lunes sa Orlando.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

