Nag-alay ng sandaling katahimikan para sa mga nasawing basketbolista na sina Rene Baterbonia at Divine Adili bago ang laban ng Ateneo de Manila University at Our Lady of Fatima University sa PinoyLiga Collegiate Cup nitong Linggo, Agosto 16.
“Join us for a minute of silence in loving memory of Bobet Baterbonia and Divine Adili. Let us honor their lives and offer our prayers and deepest respect… rest in peace, Bobet and Divine,” ayon sa announcer bago magsimula ang laro.
Taimtim namang inalala ng Ateneo Blue Eagles, Fatima Phoenix at mga manonood ang dalawang nasawing atleta sa laban na idinaos sa Blue Eagle Gym.
Ito ang unang pagbabalik-aksyon ng Ateneo Blue Eagles matapos ang insidente sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8 na ikinasawi nina Baterbonia at Adili.
====
Trending
- EJ Obiena nagtapos sa pang-anim na puwesto sa Wanda Diamond League
- US Open inanunsiyo na ang kabuuang premyo na ipapamahagi
- Janella Salvador napiling boses ng ‘How Far I’ll Go’ sa ‘Moana’ concert
- Francine Diaz maldita at suplada?
- SB19 concert mapapanood na sa sinehan
- Sanggol patay nang gumapang at mahulog sa irigasyon
- Bagong silang na sanggol inabandona sa ibabaw ng septic tank
- 19 arestado sa paglabag sa election gun ban sa BARMM

