Mapapanood na sa mga sinehan ang concert film ng P-pop group na SB19 na “Wakas at Simula: The Trilogy Concert Finale” simula Oktubre 7.

Ito ang inanunsyo ng grupo sa kanilang social media, kung saan ibinahagi nilang dadalhin nila sa big screen ang isa sa kanilang pinakamalalaking pagtatanghal kasama ang kanilang fans na A’TIN.

“From unforgettable stages to a journey shared with A’TIN, SB19 brings it all to the big screen,” saad nito sa kanilang anunsyo.
=====

Share.