Hindi naiwasang mag-react ni Francine Diaz sa matagal nang bansag sa kanyang maldita at suplada, lalo’t madalas umano niyang makita ang pangalan niya sa mga blind item.
Sa isang panayam, aminado ang aktres na aware siya sa mga komento tungkol sa kanyang personalidad, pero hindi niya maiwasang magtaka kung saan ito nanggagaling dahil likas daw siyang tahimik.
“Siguro hanggang ngayon ’yun pa rin kasi, lagi akong nami-misinterpret for being quiet, na maldita, na hindi ako nakiki-mingle,” paliwanag ni Francine.
Aniya, may mga pagkakataong mas tahimik siya lalo na kapag pagod mula sa sunod-sunod na trabaho at pressure.
Gayunman, sinisikap daw niyang mahanap ang tamang timpla sa pakikitungo sa ibang tao.
“I’m trying to find the balance between pagiging tahimik and ’yung ingay o ’yung kulit,” saad niya.
Ayaw rin daw niyang maging uncomfortable ang mga taong nakakasama niya dahil lang sa kanyang pagiging reserved.
“Ayoko rin naman na parang maiilang sila when kasama nila ako,” ani Francine.
Lalo raw siyang napapaisip dahil sunod-sunod ang blind item na tila siya ang tinutukoy.
“I mean, I get a lot of blind items lately,” sey niya.
“I’m just saying kasi laging name-mention ’yung name ko and I am very, very confused because most of the time, tahimik lang talaga ako,” dagdag pa ng aktres.
Para kay Francine, mahirap din minsan kung paano kikilos dahil parehong may masasabi ang ibang tao kapag tahimik siya o kapag mas palabati at maingay.
“Kasi ’pag tahimik, may masasabi. Kapag you’re being loud, meron pa rin. So parang that’s where I’m finding where the balance is,” pahayag niya.
Sa halip na patuloy na ma-pressure sa perception ng ibang tao, sinusubukan na lang daw niyang matutong pumili kung alin ang dapat pakinggan.
Aniya, may mga criticism na nakatutulong sa kanya para makita kung ano pa ang maaari niyang baguhin sa sarili.
Pero mahalaga rin daw para sa kanya na matukoy ang pagkakaiba ng makabuluhang puna at simpleng pambabatikos.
“Now, I’m teaching myself din to find the difference between constructive criticism and ’yung bashing,” saad ni Francine.
Trending
- EJ Obiena nagtapos sa pang-anim na puwesto sa Wanda Diamond League
- US Open inanunsiyo na ang kabuuang premyo na ipapamahagi
- Janella Salvador napiling boses ng ‘How Far I’ll Go’ sa ‘Moana’ concert
- Francine Diaz maldita at suplada?
- SB19 concert mapapanood na sa sinehan
- Sanggol patay nang gumapang at mahulog sa irigasyon
- Bagong silang na sanggol inabandona sa ibabaw ng septic tank
- 19 arestado sa paglabag sa election gun ban sa BARMM

