Natagpuan ang isang bagong-silang na sanggol na iniwan sa ibabaw ng septic tank sa Barangay Mandaragat, Puerto Princesa City.

Sa ulat, 7:00 ng umaga nitong Agosto 24, 2026 nang ma-rescue ang sanggol, na tinawag ng mga rescuer na isang “munting anghel.”

Nasa pangangalaga na ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang sanggol habang patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) upang matukoy at makilala ang taong nag-iwan sa kanya.

Patuloy naman ang pangangalap ng impormasyon ng mga awtoridad kaugnay sa insidente.

 

Share.