Isang maliit na lantsa ang sinira ng malakas na alon at lumubog sa karagatang sakop ng Barangay Baluno sa Isabela City, Basilan nitong Sabado, June 7, 2025.
Sa inisyal na ulat nitong Linggo ng mga opisyal ng Isabela City Police Station at ng 101st Infantry Brigade ng Philippine Army na naka-base sa lungsod, wala namang nasawi sa insidente at nakaligtas naman sa pagkalunod ang mga tripulante ng lantsa na nawasak at inanod ng malalakas na alon sa dalampasigan ng Barangay Baluno.
Nagkalat sa dagat at sa beachfront area ng naturang barangay ang mga lulan ng lantsang nawasak na mga grocery supplies na mula sa Zamboanga City.
Nagtulungan sa pagtugon sa naturang insidente ang Isabela City Disaster Risk Reduction and Management Office, ang Philippine Coast Guard unit sa Basilan, ang pulisya at ang units ng Philippine Army sa Basilan.
Agad namang nadala sa ligtas na lugar ang mga sakay at mga tripulante ng lantsa, ayon sa mga senior police at Army officials sa Basilan, isa sa mga limang probinsya ng Bangsamoro region. (June 8, 2025, handout photo, Isabela City Local Government Unit)
Trending
- Bolts pinahiya ang Macau 115-110
- Karl Eldrew Yulo nagtapos sa pang-pitong puwesto sa floor exercise ng Gymnastics World Cup
- โGame of Thronesโ actor pumanaw @ 35
- Kaila Estrada โproud GFโ ang peg sa pag-flex kay Daniel Padilla
- Blackpink Jennie bagong global ambassador ng Ray-Ban
- 2 Pinoy church leaders, itinalaga ng Santo Papa sa Vatican comms body
- Medical fair sa mga drayber ilulunsad ng DOH sa Abril 16
- โDi awtorisadong taas-presyo ng bilihin, babantayan ng PNP

