Kasunod ng isyung kinaharap ni Ivana Alawi tungkol sa pagpo-promote ng online gambling, maging si Vice Ganda ay nakatikim din ng batikos mula sa ilang netizens dahil sa pag-eendorso ng online gaming sites.
Isa sa mga hayagang nagpahayag ng saloobin ang social media personality na si Gabe Pineda, na nagsabing hindi niya lubos na masuportahan ang mga adbokasiya ng Unkabogable Star hangga’t patuloy itong nagpo-promote ng sugal.
“Tatapangan ko. Mahal kita Meme Vice Ganda at alam kong sobrang talino mong tao. But the only reason why I can’t fully get behind your advocacies is because your image and likeness is used in promoting gambling and I really hope you STOP,” pahayag ni Gabe.
“We cannot be promoting good governance on one side and let our image and likeness be used in the destruction of lives and families on the other. Sana makita mo ‘to Meme at sana hindi ako nagkamali sa pag-idolo sa’yo,” dagdag pa niya.
Nagkaroon naman ng iba’t ibang reaksiyon ang mga netizens.
May ilan ang sumang-ayon sa panawagan ni Gabe, habang may iba namang nagsabing hindi lang si Vice ang dapat mapuna dahil marami ring celebrities ang nagpo-promote ng online gambling.
May mga dumepensa rin sa TV host at iginiit na malinaw ang paalala nito sa kanyang advertisement.
“Pinaliwanag na to Vice sa Showtime. Nagpopromote sya pero may sinabi sya sa dulo ng video. Although mali pa rin talaga sa pagpo-promote,” komento ng isang netizen.
Maging si Ogie Diaz ay ipinagtanggol ang dating alaga at sinabing may paalala naman si Vice tungkol sa responsableng paglalaro.
“Yan nga ang sinasabi ni Vice Ganda, ‘di ba? Kasama ‘yan sa kanyang ad na responsible gaming. Ang sabi niya, ‘Play responsibly. Play for fun. Gambling is not an acceptable way of livelihood and does not solve financial problems.’ So ibig sabihin nasa sa ‘yo na ‘yan! Desisyon mo ‘yan,” pahayag ni Ogie Diaz.
Trending
- Call Center Agent, natagpuang patay sa liblib na lugar
- 5 sasakyan inararo ng Army crane truck: 14 sugatan
- Rider todas sa salpukan ng bus at motorsiklo:
- Tulak habambuhay kulong
- Pinoy seafarer patay sa pag-atake sa Black Sea
- Pastor patay sa ambush
- Paras wala pang natatanggap na subpoena mula NBI
- 5 patay sa sunog sa boarding house sa Caloocan

