Inanunsiyo ng misis ni Jeremiah Rosales na si Jhen Go na natagpuan na niya ang mister niya matapos maiulat na nawawala noong Huwebes, Hunyo 25.
Si Jeremiah—o kilala rin bilang Nuki—ay nakakabatang kapatid ng aktor na si Jericho Rosales.
Sa latest Facebook post ni Jhen nitong Biyernes, Hunyo 26, pinasalamatan niya ang mga taong tumulong na makita si Jeremiah.
“Hello everyone. Nahanap napo si Jeremiah Rosales!!!Sa mga tumulong maghanap at nag-reach out sa amin. Thank you po,” saad ni Jhen.
Kabilang sa mga pinasalamatan niya ay sina Julius Babao, Katherine Luna, Ogie Diaz, at ilang news media outlet.
Matatandaang ayon sa Facebook post ni Jhen noong Huwebes, huling namataan ang mister niya sa Maia Alta Subdivision sakay ng kaniyang motorsiklo.
Nakatakda sanang ipasok si Jeremiah sa rehabilitation facility noong Hunyo 20 dahil sa lumalala niyang kondisyon. Ngunit bago pa man maipasok sa rehab, nakatakas raw siya.
Trending
- Gonzales, ‘bituin na patuloy na bubuo’ ang batang guard ng NLEX — Alapag
- Padel Pilipinas naghahanda na para sa Asian Games
- Raymart, ibinida ang bonding kasama si Santino
- Kelvin, muntik nang manakit, di pa napapatawad ang nakabangga sa ama
- Jeric, may reax sa pagdodoktor ni Rabiya
- Estudyanteng binully natagapuang patay sa ilog
- Mister kulong ng tanggihan ni misis bumembang
- 14-anyos, sexslave ng ama simula 4-anyos pa lang

