Isinapubliko na ang unang apat na kalahok sa Metro Manila Film Festival sa taong ito.
Ito’y inanunsyo ng Metro Manila Development Authority o MMDA.
Ginanap ang announcement sa Greenhills Mall sa San Juan City na dinaluhan ng mga organizer sa pangunguna ni MMDA Chairman at
MMFF overall chairman Atty. Don Artes.
Ang mga nakapasok sa first four official entries sa ika-52 MMFF ay ang 2nd Miracle in Cell No. 7 ng Viva Films.
Mga bida dito sina Aga Muhlach at Xia Vigor directed by Nuel Naval.
Pasok din ang Amir ng GMA Pictures tampok sina Dennis Trillo, Will Ashley at Glaiza de Castro.
Ito’y mula sa direksyon ni Zig Dulay.
Ikatlo ang horror movie na Haunted Carnival mula sa Regal Entertainment.
Tampok dito sina Maricel Soriano, Julia Barretto, James Reid at Fyang Smith.
Ang ikaapat ay ang The Greatest Showdown nina Vic Sotto at Vice Ganda.
Sa direksyon ni Jun Robles Lana, prodyus ito ng Star Cinema, M-Zet Films, APT Entertainment at
IdeaFirst Production.
====
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

