Naaresto ang 58-anyos na Chinese national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang magnakaw ng mga bank card ng kapwa niya pasahero.
Ayon sa PNP-Aviation Security Group nitong Lunes, nangyari ang pandurukot habang bumibiyahe ang eroplano mula Bangkok patungong Maynila noong Hulyo 4.
Batay sa paunang imbestigasyon, lumipat ng upuan ang biktima matapos makaranas ng hindi pagiging komportable dahil sa asal ng suspek.
Habang wala ang biktima sa kanyang upuan, napansin umano ng isang cabin crew na kinakalikot ng suspek ang bag nito.
Nang suriin ng biktima ang kanyang gamit, nadiskubre niyang nawawala ang kanyang debit card na may available balance na tinatayang AED 1,800 o katumbas ng P30,143.45, gayundin ang kanyang GCash card.
Kalaunan, nakita rin umano ng cabin crew ang suspek na palihim na ibinabalik ang mga nawawalang card sa bulsa ng pantalon ng biktima, at agad na nabawi ng biktima ang kanyang mga card.
Bago pa man lumapag ang eroplano, naaresto na ng mga awtoridad ang suspek sa pagdating sa NAIA at dinala sa NAIA Police Station 1 para sa pagsasampa ng kasong theft.
Trending
- Gonzales, ‘bituin na patuloy na bubuo’ ang batang guard ng NLEX — Alapag
- Padel Pilipinas naghahanda na para sa Asian Games
- Raymart, ibinida ang bonding kasama si Santino
- Kelvin, muntik nang manakit, di pa napapatawad ang nakabangga sa ama
- Jeric, may reax sa pagdodoktor ni Rabiya
- Estudyanteng binully natagapuang patay sa ilog
- Mister kulong ng tanggihan ni misis bumembang
- 14-anyos, sexslave ng ama simula 4-anyos pa lang

