Mananatili ang militar ng United States sa loob at sa paligid ng Iran, ayon kay US President Donald Trump, kasabay ng banta na sisimulan muli ang pag-atake kung hindi ganap na susunod ang Iran sa kasunduan.
“All US Ships, Aircraft, and Military Personnel, with additional Ammunition, Weaponry and anything else that is appropriate and necessary for the lethal prosecution and destruction… will remain in place in, and around, Iran, until such time as the REAL AGREEMENT reached is fully complied with,” ani Trump sa isang post sa Truth Social nitong Huwebes ng tanghali (oras sa Pilipinas).
“If for any reason it is not, which is highly unlikely, then the ‘Shootin’ Starts,’ bigger, and better, and stronger than anyone has ever seen before,” dagdag niya.
Nauna nang sinabi ng Iran na “hindi makatuwiran” na ipagpatuloy ang negosasyon para sa permanenteng kasunduan sa kapayapaan matapos atakehin ng Israel ang Lebanon noong Miyerkoles, na ikinasawi umano ng daan-daang tao.
Magkasalungat naman ang pahayag ng dalawang bansa hinggil sa nuclear program ng Iran. Sinabi ni Trump na pumayag ang Iran na ihinto ang pagpapayaman ng uranium, habang sinabi ni Iranian Parliament Speaker Mohammed Bager Qalibaf na pinayagan silang ipagpatuloy ito sa ilalim ng mga tuntunin ng tigil-putukan.
“It was agreed, a long time ago, and despite all of the fake rhetoric to the contrary – NO NUCLEAR WEAPONS and, the Strait of Hormuz WILL BE OPEN & SAFE,” sabi pa ni Trump sa post.

Share.