Sugatan ang isang driver matapos tumagilid ang minamanehong 18 wheeler truck Biyernes ng umaga, Abril 24.
Sa ulat, nangyari ang insidente sa entry ramp ng NLEX paglabas ng Mel Lopez Boulevard sa Maynila.
Nabatid na galing ng pier ang truck at humango ng container van at idedeliver sana nila ito sa Nueva Ecija nang mangyari ang insidente.
Nabasag ang windshield ng truck dahilan para masugatan ng mga bubog ang driver na dinala sa ospital sa Valenzuela habang hindi naman nagtamo ng pinsala ang pahinante.
Nagkaroon naman ng bahagyang pagtagas ng langis ngunit agad ding nalinis para makaiwas sa mas malalang panganib sa kalsada sa mga dumaraang mga sasakyan.
Trending
- Delos Santos nagwagi ng 3 ginto sa Asian weightlifting
- Rene Baterbonia merchandise ibinebenta sa P650 ang jersey, P350 ang keychain
- Fans, masaya sa pagbabalik ni Kris sa limelight!
- Dimples, kinulit sa advice para kay Bea
- Kier at anak na si Dani, magkasundo na
- Hagonoy, Bulacan isinailalim sa State of Calamity
- ASF kumalat na sa 5 barangay sa Bacolod
- 132 motorsiklo, na-impound sa Oplan Lambat-Bitag sa Kabacan

